Aabot sa 6,949 na mga pasahero, drivers at cargo helpers ang stranded sa iba’t ibang mga pantalan sa rehiyon ng Bicol, Visayas at Mindanao dahil sa Tropical Depression Agaton.
Ayon sa Philippine Coast Guard, karamihan sa mga stranded sa mga pantalan ay mula sa Bicol Region na nasa 3,736; sinundan ng Eastern Visayas na may 1,752; North Eastern Mindanao, 654; Central Visayas, 530; at Western Visayas na may 277 stranded individuals.
Mahigit 2,000 rolling cargoes, 51 vessels at isang motorbanca naman ang istranded sa Bicol, Eastern Visayas, Northeastern Mindanao, Central Visayas, at Western Visayas regions.
Nasa 73 pang vessels at 26 na Motorbancas naman ang nakikisilong sa ibang mga pantalan dahil sa bagyo.