Magsasagaw ang Commission on Elections ng karagdagang simulation activities ng Barangay at Sangguniang Kabataan Polls.
Nilinaw naman ni COMELEC Acting Chairman Al Parreño na isasagawa lamang ang mga aktibidad sa regional level kasabay ng training ng mga gurong magsisilbi sa araw mismo ng halalan.
Nakikipag-ugnayan na rin anya sila Philippine National Police, Department of Education, Parish Pastoral Council for Responsible Voting at National Movement for Free Elections upang magpadala ang mga ito ng kani-kanilang kinatawan.
Idinagdag ni Parreño na ang mga natutunan nila sa COMELEC head office sa isinagawang simulation activity o mock poll sa Maynila, noong Abril 21 ay ituturo sa kanilang mga regional official.