Isinusulong ng isang Kongresista na gawing centralized ang pagkuha ng Persons with Disabilities (PWD) ID.
Ayon kay ACT–CIS Representative Eric Yap, dapat ay ipaubaya na lamang sa Department of Social Welfare Development (DSWD) ang pagbibigay ng naturang ID.
Aniya, mayroong mga pekeng PWD ID na nabibili sa halagang 3,000 at ginagamit ito bilang discount card.
Maiiwasan aniya ito kung DSWD lang ang maglalabas nito.
Samantala, inihayag naman ni DSWD spokesperson Director Irene Dumlao na mayroong “unique” feature ang mga PWD ID’s para matukoy kung peke ito o hindi.
Bukas naman ang ahensya sa panukala ng kongresista na sila na lamang ang maglabas ng PWD ID’s