Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na tumulong sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas.
Kinilala ng Punong Ehekutibo bilang mga makabagong bayani ang mga OFW na nagsakripisyo para maibigay ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
Ayon sa Pangulo, nagbigay ng malaking ambag sa bansa ang mga OFW dahil isa ang mga ito sa tumulong para maibangon ang bumagsak na ekonomiya ng Pilipinas dahil sa ibat-ibang krisis bunsod narin ng Russia-Ukraine War, at Covid-19 pandemic.
Sa kabila nito, tiniyak ni PBBM ang pagpapaigting sa Department of Migrant Workers (DMW) na may layuning matugunan ang mga pangangailangan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.