Umaasa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP na magtuluy-tuloy na ang pagbaba ng alert level sa Metro Manila at iba pang rehiyon upang payagan na ng pamahalaan ang 50% capacity sa mga simbahan sa mga susunod na linggo.
Kasalukuyang nasa ilalim pa rin ng covid-19 alert level 3 ang NCR at pito pang rehiyon simula ngayong araw hanggang Nobyembre 14.
Pinapayagan sa alert level 3 ang religious gatherings subalit hanggang 30 percent lamang ang venue capacity.
Ayon kay Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP. – Public Affairs Committee, kung bababa pa ang COVID-19 cases at ibaba ang alert level 2, umaasa silang ibabalik na sa 100% ang capacity sa mga simbahan.
Gayunman, aminado si Secillano na handa naman silang maghintay at sumunod ng simbahan sa magiging desisyon ng pamahalaan. — sa panulat ni Drew Nacino