Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

CHEN YI AGVENTURES PBBM AGRICULTURE MAGSASAKA FARM

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang inauguration ng isang state-of the-art poultry farm ng Magnolia sa Hagonoy, Davao del Sur noong October 12, 2023.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., tutugunan ng bagong Magnolia poultry farm ang pangangailangan ng Mindanao pagdating sa poultry supply. Sinabi niya rin dito ang plano niyang mag-invest sa modernization ng agriculture sector na sinag-ayunan naman ng netizens.

Para kay Pangulong Marcos Jr., susi sa pakikipaglaban sa kagutuman at kahirapan ang pag-iinvest sa agrikultura. Aniya, una lang ang high-tech poultry farm sa Davao del Sur sa planong 11 facilities na itatayo sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa ilalim ng San Miguel Foods’ Poultry Megafarm Projects.

Mayroong controlled climate technology, biosecurity measures, automated feeding and watering system, air quality monitoring system, at automated harvesting system ang bagong tayong poultry farm. Sinisiguro nito ang pagkakaroon ng mas stable, sufficient, at cost-competitive supply ng manok ng bansa.

Sa pag-iinvest sa latest technological advancements sa poultry farming, mas mabilis na makakapag-produce ng healthy chickens na may premium quality. Ayon sa San Miguel Foods, makaka-produce ng up to 80 million chickens o 200 million kilos yearly ang poultry farm sa Davao del Sur. Bukod rito, makakapagbigay rin ito ng tinatayang 1,000 direct and indirect jobs para sa mga kababayan natin.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., nagbibigay ng mensahe ang pagpapatayo ng high-tech poultry farm sa local at international investors na kaya ng Pilipinas na magkaroon ng advanced industrial forms ng agriculture. Sinasabi man ng iba na pang-abroad lang ang ganitong klase ng teknolohiya, ngayon napatunayan sa ilalim ng administrasyong Marcos na kaya rin ito ng Pilipinas.

Sa pag-iinvest sa agrikultura, makakamit ng bansa ang goal nito pagdating sa food security.

October 19, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
investment

Nakapagtala ang pamahalaan ng 734 billion pesos na investment approvals.

Ayon kay Usec. Ceferino Rodolfo ng DTI-Board of Investments, naitala ang numerong ito mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.

Mas mataas aniya ito kumpara sa 362 billion pesos sa kaparehong panahon noong 2022.

Umakyat naman sa 427 billion pesos ang approved foreign investments o katumbas ng mahigit 4000% na pagtaas.

Isiniwalat ni Usec. Rodolfo na 80% ng foreign investments mula sa European countries ay masasabing bunga ng mga biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ibat’ ibang bansa.

Karamihan aniya sa mga investment na ito ay mula sa renewable energy sector.

October 18, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
imee marcos

Para sa selebrasyon ng National Teacher’s Day, magkasama nina Senadora Imee Marcos at VP Inday Sara Duterte sa Butuan City.

Namahagi ang Senadora ng mga sako ng bigas para sa mga guro sa Saturnino Urios University – Morelos Campus.

Nag-abot din ng Educational Assistance si Senadora  Marcos kasama ang ahensya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Dalawang libong College Students ang nabigyan ng 5,000 pesos mula sa programang assistance to individuals in crisis situations o aics ng ahensya.

Binigyang importansya ng Senador na marami pa ring problema sa sektor ng edukasyon lalo na sa iba’t ibang sitwasyon ng isang estudyante.

October 6, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
GROCERY

Inaasahan ng Department of Trade and Industry na bababa ang presyo ng pagkain ngayong pagsapit ng “Ber months” o Holiday season sa bansa.

Ito ay matapos ipatigil ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangongolekta ng libo-libong pass-through fees sa mga truck ng pagkain at kalakal.

Para kay DTI Secretary Alfredo Pascual, perfect timing ang utos ni Pangulong Marcos Jr. dahil inilabas ito sa simula ng “Ber months.”

Ayon kay Trade Secretary Pascual, umaabot mula P75 hanggang P2,500 kada truck ang sinisingil ng ilang Local Government Unit bilang pass-through fees sa ilalim ng mga lokal na ordinansa.

Aniya, dahil sa mga pass-through fees, tumataas ang gastusin sa logistics, na naipapasa naman sa mga konsyumer pag dating ng produkto sa merkado.

Iginiit din ni Pascual ang posisyon ni Pangulong Marcos Jr. na hindi maaaring maningil ng pass-through fees ang mga lgu para sa mga kalsada o government infrastructure na itinayo ng National Government.

May ilang food manufacturer daw tulad ng Canned Sardines Association of the Philippines na nagpasalamat kay Pangulong Marcos Jr. dahil imbis na pagtaas ng suggested retail price ang ibinigay, pagtanggal ng pass-through fees ang inihandog ng administrasyon.

Nagpasalamat naman si Pascual sa mga LGU na agad sumunod sa kautusan ni Pangulong Marcos.

Sa ilalim ng Executive Order No. 41, inatasan ni Pangulong Marcos ang lahat ng local government unit na ipatigil ang koleksyon ng kahit anong pass-through fee sa lahat ng sasakyan na nagdadala ng paninda at kalakal.

Kasama rito sa ipinatitigil ni Pangulong Marcos Jr. ang koleksyon ng sticker fees, discharging fees, delivery fees, market fees, toll fees, entry fees, mayor’s permit fees at iba pa.

October 3, 2023 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest
PBBM MAHARLIKA

Usap-usapan sa social media ang ginawang tulong ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagpapataas ng buying price ng palay. Viral din ang ginawang tulong ng Pangulo sa mga konsyumer nang namigay siya ng libreng bigas mula sa nasabat na smuggled rice. Ngayon naman, small rice retailers ang nais tulungan ni Pangulong Marcos Jr.

Ano ang ibibigay na tulong ni PBBM sa small rice retailers?

Tara, suriin natin yan.

Recap muna tayo.

September 5, 2023 nagsimulang magkaroon ng price ceiling sa bigas sa bisa ng Executive Order No. 39 na inirekomenda ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry.

Dahil dito, napaaray ang retailers, lalo na ang mga may maliliit na tindahan o sari-sari stores. Panawagan noon ni DTI Assistant Secretary Agaton Uvero sa retailers, tumulong at magsakripisyo muna para sa nakararami.

Pero hindi na nila kailangang magtiis pa dahil noong September 24, 2023 iniutos na ni Pangulong Marcos Jr. sa Department of Social Welfare and Development o DSWD ang pamimigay ng cash assistance para sa sari-sari stores na apektado ng temporary price ceiling sa bigas. agad namang pinag-usapan at sinang-ayunan ng mga netizen sa social media ang compassionate act na ito ng Pangulo dahil sa tulong na ito, makakabawi mula sa pagkalugi ang maliliit na rice retailers.

Matatandaang kasalukuyang may price cap na 41 pesos per kilo sa regular-milled rice samantalang 45 pesos per kilo naman sa well-milled rice.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, mamamahagi ng 15,000 pesos cash aid ang ahensya sa small rice retailers mula September 25 to 29.

Makikipagtulungan ang DSWD sa Department of Trade and Industry o DTI para kilalanin ang magiging beneficiaries.

Base sa pinakahuling ulat, nakapagbigay na ang DSWD ng higit sa 92 million pesos worth of financial assistance sa lagpas 6,000 mirco and small retailers na apektado ng price cap.

Makakaasa tayong itutuloy ni Pangulong Marcos Jr. ang pagtulong sa mga Pilipinong apektado sa isyu ng bigas habang tinutugis niya ang smugglers at hoarders sa pamamagitan ng Anti-agricultural Economic Sabotage Act.

Sabi nga ni Zamboanga Del Sur Representative Divina Grace Yu, nakita at napansin ng Pangulo kung paano nakakaapekto ang price cap sa small time retailers kaya hindi na siya nagsayang ng oras na gumawa agarang ng aksyon.

Ikaw, agree ka bang malaking tulong ang pamamahagi ng cash assistance sa small rice retailers?

September 27, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
pbbm 1213568

Kamay na bakal na ang gagamitin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagsugpo sa mga tinatawag na “economic saboteurs” o nagpapabagsak sa agrikultura ng bansa.

Ito’y matapos sertipikahan bilang urgent ni Pangulong Marcos Jr. ang batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa smugglers at hoarders.

Sa kanyang liham kay Senate President Juan Miguel Zubiri, pinaspasan ni Pangulong Marcos ang Senate Bill No. 2432 na poprotekta sa mga magsasaka at mangingisda mula sa mga mapagsamantalang mangangalakal at importer.

Kabilang sa mga parusa ang perpetual absolute disqualification sa anumang negosyo na kasama ang importation, transportation, storage at warehousing, at domestic trade ng mga agrikultural at fishery products

Nais ni Pangulong Marcos jr. na ma-certify bilang urgent ang batas ngayong nahaharap ang mga konsyumer sa pagtaas ng presyo at kakulangan ng agricultural products dahil sa smuggling, hoarding, profiteering at cartel.

Ayon sa Pangulo, ang panukala ay magtataguyod ng produktibidad ng sektor ng agrikultura, magpoprotekta sa mga magsasaka at mangingisda mula sa mga walang prinsipyong mangangalakal at importer, at matiyak ang makatwiran at abot-kayang presyo ng mga produktong agrikultural at pangisdaan para sa mga mamimili.

Kung maisabatas, haharap sa mga sumusunod na parusa ang mga opisyales ng gobyernong mapatutunayang sangkot sa naturang krimen: habambuhay na disqualification sa public office, pagboto, paglahok sa anumang pampublikong eleksyon; pati na rin ang pagbawi ng monetary at financial benefits mula sa trabaho.

Ang panukala ay kasama sa pinalawig na Common Legislative Agenda na pinagpulungan noong ikatlong Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting.

Nakabinbin pa rin sa interpellations sa Senado ang SB 2532, habang pinipinal naman ng Technical Working Group ang bersyon nito sa Kamara.

September 22, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PBBM HOUSING

Mas makikilala pa ang mga produkto at serbisyo ng Pilipinas sa mga susunod na taon.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ito’y dahil naniniwala siya na kayang makipagsabayan ng bansa sa international market at demand.

Sa ‘Tanyag’ event ng Center for International Trade Expositions and Mission o CITEM sa lungsod ng Taguig, ipinaliwanag ng Presidente na patuloy ang gobyerno sa pagsusulong ng mga reporma na sisiguro na magiging ideal player ang bansa sa export sector.

Maliban dito, lahat aniya ay ginagawa ng pamahalaan upang mas mapaigting pa ang mga impastruktura at mapalawak ang domestic capabilities ng bansa na magpapalago sa industriya.

Sinabi pa ni Pang. Marcos na ang pagpapalakas ng export promotion activities ay makatutulong din upang magbukas ang maraming oportunidad sa pandaigdiang merkado para sa mga maliliit na negosyante.

March 4, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
JEEP 2

Handang-handa ang gobyerno sa ikakasang tigil-pasada ng ilang transport groups sa susunod na linggo.

Ito ang inanunsiyo ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Velicaria-Garafil sa kabila ng pagtiyak ng 94% ng jeepney drivers na hindi sila makikibahagi rito.

Nagkaroon aniya ng inter-agency meeting na pinangunahan ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra kung saan inilatag ang mga plano upang pagaanin ang posibleng epekto ng tigil-pasada sa mga mananakay.

Sinabi ni Gerafil na magde-deploy ang Philippine National Police o PNP ng mga personnel na siyang magmo-monitor at magpapanatili ng kapayapaan sa mga apektadong ruta.

Maliban sa PNP at AFP, makakatuwang din ng MMDA sa pagbabantay sa sitwasyon ng trapiko ang DOTr o Department of Transportation at iba pang kinauukulang ahensya.

Mahigit isang daang transport vehicles ang inaasahang mag-aalok ng libreng sakay sa mga commuter.

Samantala, posible ring suspendihin ang number coding scheme sa Metro Manila dahil sa tigil-pasada.

March 4, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PATAY

Tiniyak ng Phil. National Police na hindi magiging hadlang sa pagsusulong ng mandatory ROTC o Reserve Officers’ Training Corps ang panibagong insidente ng umano’y  hazing laban sa isang estudyante ng Adamson University na si John Matthew Salilig.

Sinabi sa Laging Handa public briefing ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na malinaw naman sa batas na mahigpit ang mandato ng mga eskwelahan para maiwasan ang mga ganitong insidente at kailangan  lang aniyang palaging rebyuhin o bisitahin ang  kanilang obligasyon sa pagpapatupad ng Anti-Hazing Law.

Ayon kay Fajardo, tuloy-tuloy din ang pakikipag-ugnayan nila sa mga eskwelahan para magsagawa ng orientation course o seminar na may kinalaman sa batas kung saan kabilang sa mga itinuturo sa mga estudyante ay kung ano ang mabuti at masama sa pagsali sa mga organisasyon.

March 4, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BAWANG

Magkakasa ng inspection ang mga tauhan ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Plant Industry (BPI) sa mga warehouse sa bansa kaugnay sa isyu ng garlic hoarding.

Kasunod ito ng pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri, na posibleng may nagaganap na ugnayan sa pagitan ng mga grupo ng traders at hoarders hinggil sa agri products na nagsitaasan ang presyo partikular na ang nangyayari ngayon sa bawang.

Naniniwala ang mga mambabatas na posibleng mayroong mga nakaimbak na bawang sa mga warehouse dahilan kaya tumataas ang presyo nito sa merkado.

Batay sa ulat, posibleng umanong umabot ng hanggang P400 ang magiging presyo ng bawang kada kilo.

Sa ngayon, pinag-aaralan na ng DA at BPI ang pagbisita sa mga warehouse para alamin ang sitwasyon ng agricultural products.

February 2, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest