Home FEATURES EVENTS

EVENTS

cats

Pormal nang binuksan ng SM Aura Ang makulay at maituturing na futuristic playpark nito.

ang prism park ay bahagi ng “Own your Beauty” campaign ng SM Aura.

Tulad ng prism na nagbibigay ng magagandang kulay at anyo , gayundin ang kagandahan.

Ma e-experience ang prism park ang dazzling dichroic structure na may interactive color changing foot pads, inflatable balls, seesaws at swings na lahat ay makulay na inilawan para i -enjoy ng mallgoers.

Isang ispesyal na gabi naman ang masisilayan sa prism park dahil sa transformation nito bilang glowing beacon na hatid ay kakaibang experience.

Ang prism park ay nasa level 5 sa Skypark ng SM Aura.

July 1, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Pinaigting pa ng Globe ang panawagan nito sa kanilang subscribers na magpa rehistro na ng kanilang SIM cards.

Halos isang buwan na lamang o sa July 25 ang pinalawig na deadline para sa sim registration.

Binigyang diin ni Globe group president at CEO Ernest Cu na nagbigay na ang gobyerno ng dagdag na panahon para makapaga rehistro hanggang July 25 kaya’t tiwala silang tatalima ang globe subscribers nila.

Igiinit ni Cu na ang Sim Registration ay dagdag proteksyon laban sa text scams at iba pang uri ng scam at tiyak na magbe benepisyo ang mga subscribers dito.

Kaya naman ..ipinabatid ni Cu ang kahandaan nilang tulungan ang kanilang subscribers sa pagpaparehistro ..onsite o online man.

Hanggang nitong June 25 ..halos 54 percent o nasa 53.85 percent ng kabuuang Globe mobile customers base ..kabilang ang active at inactive users ang nakapagparehistro na.

Para makapagparehistro ..ang mga customers ng Globe Prepaid, Tm at Globe at Home Prepaid Wi Fi  ay u ubrang gumamit ng Globeone App o ang Sim Registration Microsite ng Globe na http://new.globe.com.ph/simreg na available 24/7.

Maaari ring makapag register ang full registered Gcash accounts sa pamamagitan ng Gcash app kung saan sundin ñamang ang instructions matapos makatanggapng advisory na pwede nang mag register ng SIM at makakatanggap ng 1gb ng libreng data kapag nakapagparehistro na.

Samantala, ang Globe postpaid at platinum subscribers ay kabilang na sa SIM registratiob database.

Para sa mga subscribers na nais ng in person assistance ..nagtayo na ang Globe ng registration help desks sa lahat ng Globe Stores at easyhubs sa buong bansa kung saan handang handa ang Globe trained staff para i – guide ang mga customers.

Tiniyak muli ni Cu ang commitment ng Globe para maibigay sa kanilang subscribers ang “The best experience” Kaya naman habang papalapit ang deadline ng sim registration, determinado ang globe na maibigay pa rin sa kanilang subscribers ang mga sebisyong para sa mga ito.

Kasabay nito sng panawagan ni cu na gawing mas ligtas at reliable ang digital world.

Para sa dagdag impormasyon hinggil sa globe partikular sa SIM registration, bisitahin lamang ang http://www.globe.com.ph/

July 1, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
1

Palitan ang pagod ng ating mga ama, tatay, papa, papang, daddy, dada o kahit anupaman ang tawag natin sa haligi ng tahanan sa pamamagitan ng mga special activities na inihanda ng SM Supermalls para lamang sa kanila.

Hindi mabubuo ang Father’s Day kung walang cool photo spots kaya’t punta na sa SuperDads Ride installations ng SM Supermalls kung saan tampok ang interactive retro-futuristic at arcade designs tulad ng larger-than-life vintage cars at big bike set ups.

Ipakita rin kay daddy kung gaano kalaki ang iyong pagmamahal sa kanya kaya dalhin siya sa Superdads Giant Collection kung saan makikita ang collector dads na mayroong super-sized collection items.

Para sa dagdag na mga impormasyon, bisitahin ang www.smsupermalls.com at i-follow ang @smsupermalls sa social media.

23 4

June 17, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CHINESE NEW YEAR 2023

Nalalapit na ang pagdiriwang ng Chinese New Year 2023. Pero alam niyo ba na maraming paniniwala o tradisyon ang mga Chinoy pagdating sa pagdiriwang ng kanilang Bagong Taon?

Isa na nga riyan ang:

BAWAL MAGWALIS
Naging tradisyon na ng mga Chinese ang hindi pagwawalis sa araw na ito dahil senyales daw ito ng pagtaboy ng swerte o kasaganaan. Iniiwasan din nila ang pagtatapon ng basura sa labas dahil sa paniniwala nila na malas ito at maari nilang maitaboy ang swerte sa loob ng kanilang bahay.

BAWAL BAD WORDS
Iniiwasan din ng mga Chinoy ang pagsasalita ng masama tuwing Lunar New Year period. Isa sa mga masasamang salita na iniiwasan nila ay ‘yung mga tungkol sa kamatayan, sakit, kahirapan, multo at iba pa.

BAWAL MALIGO
Ang pagligo o pagbasa ng buhok sa araw ng Chinese New Year ay ipinagbabawal din. Sa salitang Mandarin, ang (发, fa) o hair ay kaparehas ng pagbigkas ng facai (发财) na nangangahulugang ‘to become wealthy’. At dahil du’n paniniwala nila na hindi mabuting hugasan ang buhok sa araw ng Chinese New Year parang wina-wash out daw ang swerte. —mula sa panulat ni Angelo Baino

January 20, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SMDC WIND AND CHILL

Hindi makukumpleto ang weekend getaway sa Tagaytay kung hindi mae-experience ang chill at wind ng SMDC Strip at Wind Residences.
Ang SMDC Strip at Wind Residences, na matatagpuan sa Tagaytay-Nasugbu highway ay isang magandang lugar para sa mga nais na magpunta.
Ang Chill at Wind ay mayroong unique outdoor dining at entertainment experience para sa mga residente at mga bisita.
Bawat linggo, ang Chill at Wind ay may iba’t ibang ino-offer na Asian snacks, Filipino comfort food, empanada, ramen, grilled pork at barbeques na pwedeng-pwedeng isabay sa mga refreshing drinks na may natural fruit flavors.
Bukod dito, mayroon ding iba’t ibang desserts na maaaring pagpilian tulad ng cotton candies, ice cream, waffles, at iba pa.
Makikita rin sa bawat SMDC wind tower ang mga kainan tulad ng Pizza Hut, Island Tea Co. at Dairy Queen.
Mayroon ding home essentials at convenience stores tulad ng Ace Hardware at 7/11.
Kung gusto namang mag-relax at magpaganda mayroon ding Posh Nail at Nuat Thai.
Bukas naman ang BDO para sa banking needs.
Maliban dito, welcome rin ang mga bisita ng chill at wind na maki-jamming sa acoustic performers kasama ang mga pamilya at kaibigan.
Para sa mga mahilig sa iba pang aktibidad, ang top offroad Philippines ay mayroon ding iba’t ibang rides at equipment para sa mga mahilig sa offroad adventures.
Para sa mga nais magtungo sa Tagaytay, i-follow lamang ang Facebook page na www.facebook.com/smdcthestrips para sa iba pang announcement at schedule sa chill at wind exhibit at performances.
Shop, meet, dine and celebrate here with us at the strip at wind.

January 6, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Sofia Frank

Nagkamit ng gintong medalya sa Asian Open Figure Skating championship ang Filipina skater na si Sofia Frank.
Ginanap ito sa Jakarta, Indonesia noong December 7 hanggang 9.
Nahigitan ni Frank ang walo nitong kalaban matapos makapagtala ng kabuuang 143.97 points para sa short program at free skate segment sa senior women category.
Si Joanna So naman ng Hong Kong ang nagkamit ng ikalawang panalo habang si Ting Tzu-Han ng Chinese Taipei ang nasa ikatlong pwesto.
Ang kapwa Philippine Skater ni Frank na si Skye Chua ay nagtapos sa ikapitong pwesto ng kompetisyon.

December 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Bubuhayin ng 2022 Hybrid National Trade Fair ang Festive Holiday Shopping Season habang naghahanda ang mga Pilipino sa itinuturing nilang favorite time of the year.

Kasunod na rin ito nang ikinakasang 2022 Hybrid National Trade Fair ng Department of Trade and Industry-Bureau of Domestic Trade Promotion (DTI-BDTP) na magaganap sa November 16 hanggang 20 sa SM Megamall.

Katuwang ng DTI-BDTP sa 5 araw na event na ito na may temang “GO GREEN! GO LOCAL” ang regional operations group ng nasabing ahensya, design center of the Philippines at national bamboo industry cluster.

Ang naturang event ay patuloy na suporta para sa sustainability at inclusivity sa pamamagitan nang pagpapakita nng green, sustainable at eco-friendly products gayundin ang artisanal at heritage crafts mula sa labing anim na rehiyon ng bansa na masusing pinili para ipakita ang mayabong na indigenous products at raw materials, handcrafted and handwoven products, furniture at home decor na gawa mula sa sustainable materials, unique at eco friently packaging materials gayundin ang health at wellness products.

Ayon kay BDTP Director Marievic Bonoan, itatampok din sa nasabing trade fair ang iba’t ibang uri ng fresh produce, processed food and beverages at native delicacies na u ubrang ipang regalo lalo na ngayong kapaskuhan.

Ang nasabing event aniya ay mangyayari rin online o sa e commerce platforms tulad ng lazada.

Maaaring i check ang social media accounts ng DTI BDTP sa facebook, instagram at twitter gayundin sa kanilang twitter account para sa iba pang mga detalye ng 2022 hybrid national trade fair.

November 8, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

6 7 5 4 3

photo credits: DHANIA LAMSIS/Ibagiw Festival 2022

photo credits: DHANIA LAMSIS/Ibagiw Festival 2022

Umarangkada na ang mga aktibidad para sa pagdiriwang ng Ibagiw Festival 2022 sa Baguio City.

Ito na ang ika-5 taong pagdiriwang ng Ibagiw Festival sa Baguio City matapos mapabilang sa UNESCO list ng World Creative Cities ang syudad.

Kahapon, November 6 ay napuno ang session road ng iba’t ibang expression ng sining at kulturang Cordillera sa pamamagitan ng Creative Sundays.

Sari-saring mga booth at stall ang nasaksihan kung saan ipinapakita ang mga gawang Cordillera gaya ng mga hinabing produkto, metal craft, wood craft at visual arts.

Hindi rin nawala ang mga putahe at pagkaing gawa sa rehiyon bukod pa sa pagkakaruon ng mga ethnic performances ng mga local artist sa Ibagiw stage na itinayo sa Session Road.

Ang mga art exhibit naman ay nasa Calderon Street, habang mayroon ding Ibagiw Strip sa Assumption Road.

Itinakda naman sa Sabado, November 12 ang pormal na pagbubukas ng seremonya kaugnay sa Ibagiw 2022 na may temang “Locally Creative, Globally Competitive.”

Samantala, ang Creative Sundays ang magaganap sa lahat ng araw ng Linggo ng buong buwan ng Nobyembre kung saan inaasahang madaragdagan pa ang grupo ng artists, craftsmen at artisans na makikilahok sa Ibagiw Festival para maipagmalaki ang kanilang mga gawa.

November 7, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SM HOLIDAYS

Punta na sa SM Supermalls at i-experience ang mga ito:
Kauna unahang 3D whale shark led billboard at space odyssey sa SM MegamallWHALE PHOTO

Halika na sa outer space with our space explorer friends at maghanda nang mag-picture at mag-video.
Ready to experience ang kauna-unahang immersive 3D led tunnel sa Manila mula October 21 hanggang December 25 sa ground level ng MEGA fashion hall na nasa likod lamang ng giant Christmas tree.
Ipinakikilala ng SM Supermalls ang bagong 3D technology sa EDSA sa pamamagitan ng pag-screen sa hyper realistic 3D whale shark sa led billboard ng SM megamall.
Hatid ng SM Supermalls ang una sa Pilipinas, high definition immersive content sa mismong puso ng Metro Manila at mamangha sa tinaguriang larger than life whale shark sa isang digital billboard sa dalawang libong talampakan.
Una nang nasilayan ng publiko ang mega whale shark nuong April 27, subalit higit itong mai-enjoy ng mga customer, tourist at motorista kada 15 minutes simula April 28 at sa itinuturing na peak hours mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-10 ng gabi araw-araw.
Manabik sa bagong 3D content ngayong Kapaskuhan bilang patunay na ang Pilipinas ay siyang ikalawang may pinakamalaking populasyon ng whale shark sa buong mundo sa 1,950.
Aurora trail ng SM North EDSA:AURORA TRAIL WALK
Hindi na kailangang lumipad palabas ng bansa dahil ang inaasam na pagsilay sa aurora borealis ay ma-e-enjoy na sa SM North EDSA matapos mag-wish and dream sa giant Holiday tree na napapalamutian ng makukulay na ilaw, forestry, rein bears at Holiday polar express.
Sparkle at the light show at Holiday fireworks sa SM Mall of Asia:SPARKLE
Namnamin ang ika nga’y Christmas spirit habang pinapanuod ang pinakamakukulay na indoor Christmas tree music and lights show.
‘Wag magpahuli sa itinakdang Christmas tree music and lights show araw-araw mula alas-10 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi hanggang sa katapusan ng Disyembre sa Central Atrium.
At hindi dapat palampasin ng buong pamilya ang mas pinabonggang fireworks display sa MOA complex tuwing Biyernes at Sabado mula Nobyembre hanggang Disyembre.
Golden gateway at nights of dazzling lights sa SM Aura Premier:GOLDEN GETAWAY
Ito ang kamangha manghang mundo para sa lahat ng mga papasok sa golden gateway sa sm Aura Premier.
Ka-partner ang global smartphone brand na Tecno Mobile, sanib-puwersa ang technology at art para ma-experience ang bagong mundo “with glitz and glamour”.
Hindi lang ‘yan ang technological experience na ibibigay ng SM Aura Premier kundi ang spectacular choreographed light and sound display sa Skypark sa Level 5.
Be there guys bago mag-alas-7 ng gabi, lahat ng araw ng Linggo ng Disyembre kabilang ang mismong December 25 at hayaan ang sariling maging bahagi ng forest of lights at jaw dropping musical show sa SM Aura Premier!
Kaya…ano pang hinihintay niyo…may bonus na o wala pa…let’s troop to SM Supermalls para sa mas exciting and super Christmas experience!
Dahil sa SM Supermalls…we’ve got it all for you!

October 30, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
pilmirror award

Sa ikalawang sunod na taon ay itinanghal na Best Filipino Newspaper ang Pilipino Mirror sa ginanap na 17th Gawad TANGLAW noong ika-8 ng Mayo 2019 sa Museo ng Muntinlupa. Pinangunahan nina Pilipino Mirror Editor in Chief Rey Briones (pangalawa mula sa kaliwa) at General Manager Jocelyn Siddayao (pangalawa mula sa kanan) ang pagtanggap mula kay Dr. Ellen E. Presnedi (gitna), Pangulo ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa, ng parangal na iginawad din sa Pilipino Mirror noong nakaraang taon. Kasama sa larawan sina Pilipino Mirror Advertising and Sales Manager Cris Galit at Nora Bonogan. Kuha ni RUDY ESPERAS

May 15, 2019 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest