Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

0

Viral ngayon ang isang netizen nang matulala matapos ang kanilang exam.

Sa ibinahaging litrato  ni Jhon Kenneth Acbayan, makikita sa larawan na mukhang nahirapan naman talaga ang estudyante kaya’t nakuha na lang nitong matulala.

Nakasaad sa caption nito na wala sa exam ang kaniyang nireview dahil ang kanyang guro ang gumawa nito.

Umani naman ito ng mga nakakatuwang reaksyon sa mga netizen gaya ng  “mapapatulala ka nalang talaga!”

Parang binagsakan ng langit at lupa “!

November 9, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CHRIS EVANS

Itinanghal bilang 2022 ‘Sexiest Man Alive’ ng People’s Magazine ang Hollywood Actor na si Chris Evans.

Sa panayam kay Chris, sinabi nito na nag- a adjust pa siya sa bago niyang title at inaasahan niya na rin ang ‘Playful Harassment’ ng kanyang mga kaibigan.

Tiyak naman aniyang matutuwa ang kanyang ina na sobrang proud sa lahat ng kanyang ginagawa.

Nakilala si Evans dahil sa pagganap nito bilang Captain America sa Marvel Cinematic Universe.

November 9, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CAT - THAI

Nagharap na sa unang pagkakataon si Miss Universe 2018 Catriona Gray at Thai transgender billionaire Anne Jakrajutatip sa Pavalai Royal Grand Theatre sa Bangkok, Thailand.

Kasama si Catriona sa mga inimbitahan sa Miss Universe Extravaganza na proyekto ni Anne bilang bagong may-ari ng Miss Universe Organization.

Umalingawngaw ang reaksiyon sa pagkikita nina Catriona at Anne dahil alam ng halos lahat na pareho silang nagkaroon ng kaugnayan sa Filipino-German model-actor na si Clint Bondad.

Mababatid na naging boyfriend ni Catriona si Clint nang magwagi itong 67th Miss Universe noong 2018.

At ipinagtapat naman ni Anne na siyam na buwan niyang nakasama si Clint sa kanyang bahay sa Thailand.

Malakas na palakpakan at hiwayan ng mga manonood sa lugar nang nagkasama ang dalawa sa entablado. —sa panulat ni Jenn Patrolla

November 9, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
jake cuenca

Nagtrending matapos umani ng ibat-ibang reaksiyon sa mga netizen ang teaser ng upcoming movie ng aktor na si Jake Cuenca.

Ibat-ibang mga komento ang natanggap ng pelikulang “My Father, Myself” kung saan, nawindang ang mga netizen sa kakaibang plot ng film dahil literal na “mind-blowing” umano ang story sa pagitan ng mga karakter.

Dahil dito, mas lalo pang nawindang ang mga netizen dahil sa kissing scene nina Jake at Sean de Guzman kung saan, hindi sila makapaniwala na “incest film” o sexual intercourse ang ipalalabas sa Christmas Day.

Nabatid na ang pelikula na pinagbidahan ng aktor ay kabilang sa lalahok para sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF).

November 9, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Nagulat ang mga netizen sa ibinahagi ni Jicko Andanar kung saan may nadiskubre ito sa lugar ng Siargao.

Bukod sa magagandang tanawin ay mayroon dito na talagang agaw-pansin at ito ay ang baboy na palakad-lakad at mala-lechon ang kulay ng balat.

Ayon sa nag-post, ang baboy umano ay matatagpuan sa kahabaan ng kalsada ng Siargao.

Ang nasabing baboy ay napalibutan ng putik kaya’t nagmukha itong lechon habang naglalakad sa kalsada.

November 8, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MISS UNIVERSE PH

Good news para sa mga aspiring beauty queens!

Binuksan na ng Miss Universe Philippines 2023 ang kanilang pintuan para sa lahat ng Pinay anuman ang civil status.

Ayon sa organizers ng pageant, wala na silang ipatutupad na height requirements pero kailangang edad 18 hanggang 27.

Magtatagal ang aplikasyon hanggang alas-11:59 ng gabi, sa ika-29 ng Enero taong 2023.

Ang susunod na mananalo sa patimpalak ay susunod sa yapak ni Celesti Cortesi, na lalaban sa Miss Universe pageant sa January 2023.

November 8, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KIM CHUI - ANGELICA

Hindi nagpahuli ang aktres na si Kim Chui sa pagbati sa kaarawan ng kaniyang kaibigang si Angelica Panganiban na nagdiwang ng unang kaarawan nito bilang mommy noong Biyernes.

Sa instagram account ni Kim, ibinahagi nito ang isang sa litarto kasama ang kaibigang si Angelica at anak nitong si Amila Sabine.

Proud beshy naman si Kim sa kaniyang kaibigan na aminadong deserve ang lahat ng blessing sa family life.

Maliban kay Kim at Angelica, kasama rin sa squad ng na “AngBeKi” ang aktres na si Bela Padilla.

Nagsimula ang pagkakaibigan ng tatlo noong 2017.

November 8, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BILLY HAUTOT

Nakapasok sa Grand Finals ng 12th season ng Dancing with the Stars ang dancer Tv-host na si Billy Crawford at partner nitong french dancer na si Fauve Hautot.

Ito’y matapos masungkit ng dalawa ang pinakamataas na score mula sa dalawang segments ng sikat na dance competition kung saan, nakakuha sila ng 39 points sa Saliw ng Awiting “Let’s Get it Started” ng Maneskin at 35 points naman sa “Chasing Cars” ng Snow Patrol.

Hindi naman naging handlang kay Billy ang pagkakaroon nito ng back injury dahil sa ipinamalas nitong performance.

Full support naman ang asawa ni Billy na si Coleen Garcia gayundin ang fellow hosts nito sa noontime show na “Tropang LOL.” —sa panulat ni Jenn Patrolla

November 8, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Miss Grand International franchise

Binitawan na ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) ang franchise ng Miss Grand International Pageant.

Kasunod ito ng kontrobersyal na pagbalik sa Thailand ni Binibining Pilipinas Grand International 2022 Roberta Tamondong, matapos itong ma-appoint bilang 5th Runner-Up.

Sa Facebook page ng Binibining Pilipinas, kanilang pinasalamatan ang naging partnership nito sa Thai-owned Beauty Pageant.

Bukod pa dito, pinasalamatan din ng organisasyon ang kanilang mga fans na sumuporta ng halos 60 taon.

Dahil sa pagkalas ng Miss Universe, at Miss Grand International, tatlong national crown na lamang ang nasa pangangalaga ng BPCI sa susunod na taon na binubuo ng Miss International, Miss Globe, at Miss Intercontinental.

November 8, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
miss u

Opisyal nang binuksan ng Miss Universe Philippines Organization ang aplikasyon para sa Miss Universe Philippines 2023.

Sa Instagram post ng nasabing organisasyon, kanilang inilabas ang mga instruction o tagubilin para sa mga nais sumali sa pageant.

Matatandaang kamakailan, binago ng Miss Universe Philippine Organization ang mga kwalipikasyon ng mga kandidata kung saan, maaari nang mag-apply ang mga kababaihang nasa 18 hanggang 27 years old, anuman ang kanilang height, katayuan o ang civil status at dapat ay Filipino citizen.

Papayagan din ang mga babaeng may asawa na basta’t pasok sa nabanggit na age limit.

Magsisimulang tumanggap ng aplikasyon ang organization sa susunod na linggo na tatagal hanggang sa January 29, 2023.

Para sa mga nais sumali, maaring magpasa ng aplikasyon sa kanilang official website.

November 8, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest