Inactivate na ang 758 evacuation centers sa Fiji bilang paghahanda sa tropical cyclone Winston.
Taglay ng bagyo ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 220 kilometro kada oras at pagbugso na umaabot sa 315 kilometro kada oras.
Inaasahang tatama sa Fiji ang tropical storm Winston, mamayang hapon.
Samantala, una nang inanunsyo ng Virgin Airlines na kanselado na ang kanilang flights paalis at pabalik ng Fiji ngayong weekend bilang paghahanda sa bagyo.
By Katrina Valle
Photo Credit: NASA GODDARD MODIS RAPID RESPONSE/JEFF SCHMALTZ