Buong bansa na ang nasa high risk classification ayon sa DOH
Inihayag ng Department of Health (DOH) na nasa high-risk area for COVID-19 na ang buong Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito’y dahil umakyat sa 47% ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa nakaraang dalawang linggo maging ang presensya at mataas na naitatalang kaso ng Delta variant.
Dagdag pa ni Vergeire, na lahat ng lungsod sa Metro Manila ay mayroon nang naitalang kaso ng Delta variant, habang sampu naman dito ang nasa Alert Level 4 na.
Bukod dito, iginiit pa ni Vergeire na 13 sa 17 Rehiyon sa bansa ay may local cases na ng Delta variant