Kinumpirma ng Philippine National Police na magkahawig ang bombang ginamit sa Davao City Bombing noong September 2 sa improvised explosive device na nakuha sa sasakyan ni Talitay, Maguindanao Vice Mayor Abdul Wahab Sabal, na naaresto dahil sa illegal drugs.
Gayunman, nilinaw ni PNP Anti-illegal drugs group director, Senior Supt. Albert Ferro na hindi sapat itong basehan upang sabihing mastermind si Sabal sa Davao city bombing.
Setyembre 8 nang madakip ang bise alkalde at ang asawa nitong si Mohana sa Maguindanao.
Narekober din sa sasakyan ng mag-asawa ang isang m-16 rifle, dalawang granada, caliber 35 pistol, IED na 60 millimetre mortar round na kinabitan ng radyo at cellphone katulad ng ginamit sa Roxas Night market sa Davao at labindalawang sachet ng shabu.
Kasalukuyang nananatili sa kustodiya ng PNP-AIDG sa Camp Crame ang mag-asawang Sabal.
By: Drew Nacino