Idineklara na ng Department of Agriculture ang outbreak ng Avian Influenza o H5N1 sa bansa.
Ito’y bunsod ng tumataas na bilang ng Avian Flu cases na karamiha’y sa Central Luzon.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, apektado ng outbreak ang mga itikan at puguan sa Central Luzon dahil sa pagdami ng migratory birds sa bansa.
Nag-issue na si Dar ng memorandum circular upang paigtingin ang containment at ma-control ang outbreak.
Sa ilalim ng kautusan, i-reregulate ang pagpasok at paglabas sa 1 kilometer quarantine area ng mga poultry products, tulad ng manok, itik at pugo sa mga lugar na apektado.