Mababa ang bilang ng mga naturukan ng booster shot laban sa COVID-19.
Ito ang inihayag ni health secretary Francisco Duque III na lahat ay ginawa nila para mapataas ang inoculation rate.
Binigyang-diin niya ang mga nagawa ng gobyerno tulad ng pagbubukas ng vaccination programs sa mga botika medical clinics at public transport terminals para magkaroon ng access ang mga tao sa pagpapabakuna.
Nanawagan naman si Duque sa publiko na samantalahin ang pagpapaturok ng booster shot habang maluwag pa ang mga vaccination center dahil mahihirapan nanaman ang mga ito na makipagsiksikan sa mahabang pila sakaling magkaroon muli ng COVID-19 surge.