Mahilig ka ba sa papaya?
Bukod sa pansahog ito sa tinola, alam mo bang siksik ito sa sustansya?
Narito ang benepisyo ng papaya sa katawan:
Una, pinalulusog nito ang mata dahil nakatutulong ito upang maiwasan ang macular degeneration, isang kondisyon na nakakaapekto sa mata, lalo na sa sentro ng retina na tinatawag na macula.
Pangalawa, naiiwasan din nito ang pagkakaroon ng asthma, dahil nagbibigay ito ng vitamin K, fiber at anti-oxidants.
Pangatlo, nakatutulong ito para maiwasan ang pagkakaroon ng cancer dahil mayaman ang papaya sa antioxidants, phytonutrients, at flavonoids.
Bukod sa mga nabanggit taglay din ng papaya ang mga nutrients na nagpapalakas sa buto, pumipigil sa cancer at sakit sa puso.