Isa sa mga prutas na hindi lamang masarap kundi kapaki-pakinabang din sa ating kalusugan ay ang mangga.
Mayroong iba’t ibang benepisyong dulot ang pagkain ng mangga na maaaring makatulong sa pagpapanatiling malusog ng ating katawan
Mayaman ito sa bitamina at antioxidants; ang mga bitamina na ito ay mahalaga sa pagpapalakas ng immune system at pagpapanatili ng kalusugan ng balat at mata.
Naglalaman din ito ng mga antioxidants na tumutulong labanan ang mga free radicals sa katawan, na maaaring maging sanhi ng iba’t ibang chronic diseases.
Pampalusog ng sistema ng panunaw; mataas ang fiber content ng mangga na may malaking papel sa pagpapabuti ng digestive health.
Ang pagkonsumo ng prutas na ito ay nakatutulong sa maayos na paggalaw ng bituka at nakapagpapababa ng posibilidad ng constipation.
Sa pamamagitan ng pagkain ng mangga, natutulungan nating mapangalagaan ang ating immune system, digestive health, at maging ang ating puso.—sa panulat ni Jasper Barleta