Ang lemongrass ay may taglay na citral, isang uri ng compound na may antibacterial at anti-inflammatory properties. Nakakatulong ito sa pagpapababa ng lagnat at pagpapaluwag ng sipon at ubo.
Ang pag-inom ng tsaang tangalad ay konektado sa pagpapababa ng blood pressure at cholesterol levels. Ang natural na diuretic effect nito ay tumutulong sa paglabas ng sobrang asin at tubig sa katawan.
Hindi lang respiratory system ang napapabuti, ang lemongrass ay mayaman din sa antioxidants na nagpapalakas ng immune system at tumutulong labanan ang free radicals na sanhi ng karamdaman.
Bukod sa mga benepisyo sa katawan, ang aroma ng lemongrass ay kinikilalang nakakapagpakalma ng isip, nakakabawas ng stress, at maaaring makatulong labanan ang insomnia at anxiety.
Kaya sa halip na chemical-based na gamot agad, subukang uminom ng tsaang tangalad — isang natural na paraan para sa mas malusog na katawan at mahinahong isip.
—Sa panulat ni Jem Arguel