Ilang tauhan at opisyal ng DENR o Department of Environment and Natural Resources ang naapektuhan sa ipinatupad na pagbalasa ni Environment Secretary Gina Lopez dahil sa isyu ng korapsyon.
Sinabi ni Lopez na mayroon na siyang mga tinanggal at sinuspindeng mga tauhan ng DENR dahil sa katiwalian.
Sinabi ng kalihim na dagsa ang mga reklamo sa kanyang tanggapan laban sa mga opisyal at kawani simula maglagay ito ng hotline direkta sa kanyang tanggapan.
Kabilang dito ang mga kaso ng bribery o suhol na nagkakahalaga ng milyon-milyong piso sa bawat illegal transaction .
Sa kabila ng mga nasuspinde at nabalasang mga opisyal at kawani, tiniyak ni Lopez na normal na rin ang operasyon at tuloy ang paglilinis sa kanyang ahensiya.
By Rianne Briones | Report from Aileen Taliping (Patrol 23)
Photo Credit: DENR