Hindi na hahayaan ng Department of National Defense o DND na maulit pa ang kontrobersyal na ‘Hello Garci’ scandal sa darating na eleksyon.
Ito ang pagtitiyak ni Defense Secretary Voltaire Gazmin sa harap na rin ng paulit-ulit nilang paalala sa mga sundalo na manatiling a-political o walang kinikilingan.
Sa panig naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabi ni Chief of Staff Gen. Hernando Iriberri na may katapat na parusa ang hindi susunod sa mahigpit niyang tagubilin sa kanyang mga tauhan.
Magugunitang nasangkot ang ilang matataas na opisyal ng militar nang pumutok ang Hello Garci scandal sa Mindanao noong 2004 sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal