Sinong mag-aakala na isang relasyon ang magkakalamat nang dahil lang sa isang manghuhula? Matapos kasing magpahula ng isang misis mula sa China, agad nitong inakusahan ng panloloko ang kaniyang mister matapos walang pagdadalawang-isip na pinaniwalaan ang sinabi ng manghuhula na nangangaliwa ito.
Kung ano nga ba ang mga sinabi ng manghuhula, eto.
Matatawag ba na tamang hinala ang isang misis kapag inakusahan nito ang kaniyang mister ng panloloko nang dahil lang ito ang lumabas sa reading ng manghuhula?
Sa halagang 500 yuan o mahigit 4,000 pesos, nag-book ang nasabing misis mula sa Wuhu, Anhui Eastern China ng isang session sa manghuhula kung saan sinabi sa kaniya na nagloloko umano ang kaniyang asawa.
Ayon sa manghuhula, bumibisita umano ang kaniyang mister sa mga prostitute at nag-check in sa mga hotel kasama ang iba’t ibang babae.
Si misis, agad na nagpadala sa mga salita ng manghuhula! Kahit na walang pruweba, agad itong nag-akusa na cheater ang kaniyang mister.
Wala nang nagawa ang mister kundi mag-report sa mga pulis para linisin ang kaniyang pangalan matapos itong madumihan nang dahil lang sa isang baseless accusation.
Ayon sa isang pulis, ang dahilan kung bakit hindi man lang nagduda ang misis sa virtual manghuhula ay dahil sa mga sabi-sabi na accurate ang mga reading nito.
Gayunpaman, hindi pa rin malinaw ang dahilan kung bakit nga ba nag-book ng online fortune-telling session ang nasabing misis.
Ikaw, sinong mas paniniwalaan mo? Ang mga taong nakapaligid sayo o ang partner mo? Pero una sa lahat, hindi dapat hahantong sa punto na magpapahula ka dahil ibig sabihin non, wala kang tiwala sa partner mo.



