Inihayag ng World Health Organization (WHO) na hindi maaaring gamitin ang antigen tests sa pag-screen ng mga pasahero sa airport.
Ayon sa WHO guidelines, bagama’t mabilis na makuha ang resulta ng antigen test, hindi ito kasing husay ng PCR test.
Dahil dito, maaantala ang paglabas ng testing guidelines ng Pilipinas.
Gayunman, sinabi ng Department of Health na patuloy pa rin nilang pinag-aaralan kung papaano ito magagamit.