Nais pa ring ipagpatuloy ni dating five-division champion Floyd Mayweather Jr. ang pagsabak sa laban, matapos ang nakatakda nitong exhibition fight kontra kay Logan Paul.
Ayon kay Fanmio Founder and CEO Solomon Engel, pangunahing promoter ng exhibition fight ni Mayweather, nakatitiyak siyang masusundan pa ang laban ang natutang laban ng dating five division champion.
Ani Engel, bagama’t tanging si Mayweather lamang ang makapagpapasiya sa kanyang hinaharap, naniniwala siyang tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan sa kanya ng boksingero para sa mga susunod nitong laban.
2017 nang magretiro si Mayweather habang hawak ang record na 50 – 0 kung saan 27 doon ang knockout.
Nakatakda ang exhibition fight sa pagitan nina Mayweather at Paul sa Pebrero 20 ng susunod na taon.