Asahan na ang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa bahagi ng Marcos Highway partikular sa tapat ng Sta. Lucia Mall at Robinson’s Metro East.
Ito’y makaraang ipatupad ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA tuwing gabi ang alternate road closure scheme kasabay ng pagsisimula ng konstruksyon ng platform ng LRT-2 Emerald Station sa Marikina City.
Ayon kay acting MMDA General Manager Jojo Garcia, epektibo ang road closure simula kagabi hanggang Oktubre sa westbound at eastbound lanes kung saan itinatayo ang platform.
Kada dalawang araw anya ay 50 meter segment ng westbound at eastbound ng highway ang i-sha-shut down.
Ipinaliwanag ni Garcia na kailangang isagawa ang shutdown tuwing gabi upang hindi maapektuhan libu-libong motoristang dumaraan sa Marcos Highway.
Tuwing Linggo hanggang Huwebes ay ipatutupad ang road closure alas-11:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw at simula alaa-5:00 ng madaling araw hanggang alas-11:00 ng gabi tuwing Biyernes at Sabado.
—-