Ilang suspek sa illegal towing ng mga sasakyan sa Panay Avenue sa Quezon City ang nasakote ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.
Ayon kay acting MMDA General Manager at Operations Supervisor Bong Nebrija, nag-ooperate ang mga suspek nang walang kaukulang requirement tulad ng reference number para makapang-hatak ng sasakyan na dadalhin sa isang impounding area.
Kadalasan aniya ay walong libong piso (P8,000) pababa ang sinisingil sa mga may-ari ng sasakyan habang nasa dalawanlibong piso (P2,000) ang kickback ng mga dispatcher.
Samantala, iimbestigahan na ng MMDA ang naturang insidente habang hinikayat ang vehicle owner na nabiktima ng towing company.
—-