Inaresto ang mayor ng Ferrol, Romblon at 200 iba pa na naabutan ng awtoridad sa isang sabungan sa barangay tubigon.
Kinilala ang naaresto na si incumbent mayor jovencio mayor jr.
Sinabi ni police Col. Raynaldo Rosero, Romblon Police Provincial Director, ikinasa nila ang raid makaraang makatanggap ng impormasyon na patuloy ang operasyon ng sabong na ipinagbabawal sa ilalim ng Alert Level 3.
Aniya, ilang beses nang binigyan ang warning ang alkalde pero hindi umano ito nakikinig.
Nahaharap sa paglabag sa IATF resolution 159-A series of 2022 at Cockfighting Law ang mga naaresto.