Sisimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority ang paggamit ng A-I powered traffic system gamit ang adaptive signaling at video detectors upang mapabuti ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Ayon mismo kay MMDA Chairperson Don Artes, layon ng proyekto na mabawasan ang aksidente at mapabilis ang daloy ng trapiko.
Batay sa pag-aaral ng MMDA Traffic Engineering Center, mas mainam na gamitin ang video-based system kumpara sa lumang sensors dahil hindi ito madaling masira ng ulan, roadwork, o iba pang sagabal.
Dagdag pa ng opisyal, sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya ay maaari nang matukoy ang iba pang impormasyon tungkol sa mga sasakyan tulad ng bilis, direksyon at maging mga numero ng plaka ng motorista.