Home NATIONAL NEWS Isa pang babaeng biktima ng karahasan ng kinakasamang pulis, nagpasaklolo sa Napolcom

Age restriction sa mga bata sa malls rerebyuhin ng Metro Mayors

by DWIZ 882 November 13, 2021 0 comment
metro manila philippines gdp

Rerepasuhin na ng Metro Manila Mayors ang age restriction sa mga bata sa pagbisita sa shopping malls.

Ito’y makaraang mapa-ulat sa social media na isang lalaking dalawang taong gulang ang tinamaan ng COVID-19, matapos pumunta sa mall kamakailan.

Aminado si Interior Secretary Eduardo Año na nakalulungkot ang sinapit ng bata kaya’t muli nilang pina-a-alalahananang lahat na ugaliing sumunod sa public health protocols.

Hangga’t maaari anya ay iwasan muna ng mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak sa mall o mag-ingat kung hindi naman maiwasang pumunta.

Binigyang-diin ng kalihim na bagaman bumababa ang COVID-19 cases, hindi pa rin naman nawawala ang pandemya.  —sa panulat ni Drew Nacino

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment