Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pina-iiral na “no-ransom policy” ng gobyerno tuwing may insidente ng kidnapping.
Ito ang inihayag ni AFP Spokesman, Col. Restituto Padilla, matapos pugutan ng Abu Sayyaf ang bihag nitong Malaysian na si Bernard Ghen Ted Fen sa Indanan, Sulu.
Ayon kay Padilla, walang kontrol ang pamahalaan sa direktang pakikipag-negosasyon ng pamilya ng mga kidnapp victim sa mga hostage-taker kaya’t hindi nila inirerekomenda sa mga kaanak na kausapin ang mga kidnapper.
Maingat din anya sila sa paglalabas ng mga impormasyon hinggil sa pinugutang malaysian dahil kailangan pa ng pruweba.
Samantala, muling iginiit ni Padilla na walang kaugnayan sa APEC meeting ang pagpaslang sa nasabing dayuhan.
By Drew Nacino