Mahigit 20,000 guro ang nakapasa sa licensure exam na naganap nitong Enero a-30.
Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), kinabibilangan ito ng 8,737 guro sa elementarya at 12,074 guro sa sekondarya.
Batay sa Board for Professional Teachers (BPT) at PRC, nasa 55.66% ang passing rate sa 15,699 na kumuha ng exam sa elementarya, at 53.77% sa sekondarya.
Top notcher sa elementary education licensure examination si Jenechielle Lopoy ng Saint Michael College of Laguna na may rating na 93.80%.
Habang si Lanvin Sean Delos Santos ng National Teacher’s College ang nanguna sa secondary education licensure examination na may 92.80% na rating. —sa panulat ni Abby Malanday