Pinag-aaralan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang adjustments na gagawin sa motorcycle lanes.
Ito ayon kay MMDA Spokesperson Crisanto Saruca Jr. ay sa harap ng pagtaas ng bilang ng mga motorsiklo.
Mababatid na noong 2021, una nang sinabi ng MMDA na kinokonsidera nito ang paglalaan sa rightmost lane ng Edsa para sa mga motorsiklo, ngunit naging Edsa busway ito noong, kung kaya’t kung saan-saang lane na lamang anila dumaraan ang mga motorsiklo.
Samantala, nakasaad sa 2018 MMDA regulation ang pagtatalaga ng non-exclusive motorcycle lanes sa iba’t-ibang daan gaya ng Edsa, Commonwealth, C5, at iba pa.