Nanindigan si Buhay Partylist Representative Lito Atienza na labag sa saligang batas ang panukalang nagsusulong ng “Absolute Divorce at Dissolution of Marriage”
Binigyang diin ni Atienza na malinaw na nakasaad sa Article 15 , Section 2 ng 1987 Constitution na ang kasal ay ang pundasyon ng bawat pamilyang Pilipino at ito ay dapat protektahan ng bansa.
Giit ni Atienza, hindi dapat maipasa ang panukala sapagkat ang kabuuan ng batas ay “Unconstitutional”
Una nang iginiit ng kapwa nito mambabatas na si Albay Representative Edcel Lagman, isa sa mga sponsor ng House Bill 7303, na constitutional ang panukalang ito.