Nagbabadyang magpatupad ng bawas singil sa kuryente ang MERALCO o Manila Electric Company sa susunod na 3 buwan.
Ito’y dahil nagsimula nang mag-operate ang isa sa mga bagong power generator na Solar Philippines Tarlac Farm Incorporated.
Ayon sa Solar Philippines, asahang makatitipid ang mga konsyumer ng Meralco ng mahigit 3 piso kada kilowatt hour o mahigit 600 piso para sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan.
Kapag nasimulan na ang pagsusuplay ng kuryente ng Solar, malaki ang mababawas sa binibiling kuryente ng MERALCO sa WESM o Wholesale Electricity Spot Market kapag nasa peak ang presyuhan nito.
Mayroong 150 megawatts peak demand ng kuryente ang Tarlac Solar Farm kaya’t ang nabanggit na halagang matitipid ng mga konsyumer ay ang pinakamababa sa anumang power supply agreement sa buong bansa.