Nilinaw ng Commission on Elections o COMELEC na Anim na pu’t Anim na Libo na lang na mga gurong nagsilbi noong eleksyon ang hindi pa nakatatanggap ng kanilang kabuuang allowances.
Ito ang tugon ng COMELEC sa una nang naiulat na Isang Daang Libong guro ang wala pang honorarium.
Ipinaliwanag ni COMELEC Chairman Andres Bautista, mayroong kabuuang Six Thousand Five Hundred Pesos (P.6,500.00) na special allocations mula sa pamahalaan ang mga guro na nagkaroon ng election duties.
Nakapaloob dito ang Tatlong araw na allowance, transportation fees, at bayad sa kanilang verification at pagpapaselyo ng mga ginamit na election materials.
Sinabi ni Bautista na kinakailangan pa ang tamang documentation upang maipamahagi na ang pondo sa mga hindi pa nakatatanggap ng kanilang honorarium.
By: Avee Devierte