May iba pang mga kontrobersiyal na proyekto sa Department of Tourism ang kasalukuyang iniimbestigahan ng kagawaran.
Ito ang pag-amin ni Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat kasunod na rin ng mga natuklasang kwestiyonableng mga proyekto sa ilalim ng kagawaran.
Gayunman, tumanggi na ang kalihim na magbigay pa ng detalye hinggil sa mga ito.
Kasabay nito, inihayag ni Puyat na hindi pa natutupad ng kampo ni dating Secretary Wanda teo Ang pangako nitong isosoli ang 60 Million Pesos na ibinayad ng DOT para sa placement ads sa programa ng kapatid nito sa PTV 4.
Nilinaw rin ni Puyat na hindi otorisado ang ginanap na Buhay Carinderia event sa Vigan City nitong buwan lamang ng Hunyo.
Paliwanag ng kalihim, suspendido ang nasabing proyekto hangga’t wala pang ipinalalabas na resolusyon ang Commission on Audit hinggil dito.