Patay ang anim na miyembro ng isang pamilya matapos matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang tahanan sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ompong sa Mountain Province.
Nangyari ang insidente noong Sabado sa bahagi ng Sitio Dantay, Barangay Alam, bayan ng Bontoc.
Kabilang sa mga nasawi ang limang taong gulang na bata na si Klyde Minimo at dose anyos na kapatid na si Kiertein Mae.
Gayundin ang kanilang mga magulang na sina Lanibeth at Darwin Minimo at lolo at lola na sina Orlando at Prisca Baggay.
Dalawang minor de edad naman na kinilalang sina Glendalyn at Darren Lee Minimo ang nakaligtas at kasalukuyang ginagamot sa Bontoc General Hospital.
Tanging ang tahanan lamang ng pamilya minimo ang nasira ng landslide sa kanilang lugar.