Natagpuang patay ang apat na tao sa loob ng isang bahay sa Barangay Payatas B sa Quezon City kung saan nakita rin ang ilang drug paraphernalia.
Kinilala ang mga biktima na sina Criselda Chua, Anthony Salazar, Leo Barba, at Celso Cervantes.
Ayon kay Barangay Tanod Nicanor Silanga, ipinagbigay-alam ng isang concerned citizen kaninang umaga ang tungkol sa pamamaril kagabi sa bahay sa 111 Golden Street corner Chocolate Hills.
Sinabi ng mga residente na ginagamit bilang drug den ang naturang bahay.
By: Avee Devierte