Nakatutok ngayon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa tatlo pang Chinese nationals na kasamahan di umano ng dalawa pang Intsik na napatay sa buy bust operations sa Cavite.
Ayon kay Director General Aaron Aquino ng PDEA, isa na lamang sa tatlo ang posibleng narito pa sa bansa.
Magugunita na napatay sa buy bust operations sina Vincent Du Lim at Hong Li Wen sa isang bodega sa Antero Highway sa Tanza Cavite kung saan nakumpiska ng PDEA ang dalawandaan at pitumpu’t apat (274) na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng halos dalawang bilyong piso.
Sinabi ni Aquino na matapos mabuko ang mga pumapasok na shabu sa Bureau of Immigration (BI), mas ginagamit na ngayon ng mga drug syndicates ang ship side smuggling.
Ang modus aniya ay ibiyahe sa barko ang shabu at ilalaglag ito sa karagatan kung saan kukunin naman ito ng mas maliliit na barko para ipasok sa bansa.
May hinala si Aquino na nangyayari ang shipside smuggling sa bahagi ng rEgion 1 at sa posibleng sa golden triangle ang source ng shabu.
—-