Monthly Archives
May 2025
Naglunsad ng airstrike ang militar laban sa 30 rebelde na umatake sa isang army detachment sa Zamboanga Del Norte.
Ayon kay Sirawai Mayor Gamar Janihim, hinarass umano ng mga rebelde na nakasuot pa ng uniporme ng mga sundalo ang detachment ng Bravo Company sa ilalim ng 42nd Infantry Battalion sa Barangay Doña Cecilia.
Ginawa ang airstrike dakong ala 1:00 ng hapon kahapon makaraang mamataan ang mga rebelde ngunit agad itong nakapagtago sa isang gusali sa Barangay Panabutan.
Dalawa ang sugatan sa panig ng mga rebelde ngunit inaalam pa ng militar kung ang nasabing pag-atake ay bahagi ng pakikisimpatiya sa mga nasa Marawi o isang uri ng diversionary attack.
By Jaymark Dagala
Army detachment sa Zamboanga Del Norte inatake ng mga rebelde was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882
Mga kritiko ng Martial Law ni Pres. Duterte, pinayuhang manahimik na lang – Rep. Alvarez
written by DWIZ 882
Binuweltahan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang mga kritko ng Pangulo na tutol sa pagdideklara nito ng Martial Law sa Mindanao
Ayon kay Alvarez, dapat ang Kongreso ang siyang nakikinig sa Pangulo at hindi ang Pangulo ang siyang nakikinig sa Kongreso
Giit ng Speaker, hindi lamang suliranin ng Pilipinas ang terorismo kundi ng buong mundo na dapat lapatan ng agarang aksyon ng pamahalaan
Binigyang diin pa ni Alvarez na malinaw sa saligang batas ang pagbibigay kapangyarihan sa Pangulo ng bansa na magdeklara ng batas militar lalo na sa mga panahong higit itong kinakailangan
Pakingan: Ang tinig ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
By: Jaymark Dagala
Mga kritiko ng Martial Law ni Pres. Duterte, pinayuhang manahimik na lang – Rep. Alvarez was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882
Daan-daang pasahero ang naistranded habang marami ring motorista ang naipit sa matinding traffic makaraang bumuhos ang malakas na ulan sa kalakhang Maynila kagabi.
Bunsod ito ng mga pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila kasunod ng opisyal na deklarasyon ng PAGASA sa pagpasok ng bansa sa panahon ng tag-ulan.
Kabilang sa mga nakaranas ng gutter deep na baha ay ang northbound ng EDSA Balintawak, Westbound ng Ortigas – Santolan, eastbound ng Eliptical – Quezon Avenue at paligid ng Manila City Hall.
Hanggang tuhod na baha naman ang naranasan sa bahagi ng Victory – Araneta malapit sa Monumento sa Caloocan kaya’t hindi makaraan ang mga light vehicles.
Hanggang bewang naman ang baha sa panulukan ng Araneta Avenue at E. Rodriguez sa Quezon City ngunit agad din namang humupa ang mga nabanggit maghahating gabi.
By: Jaymark Dagala
Ilang lugar sa Metro Manila binaha sa pagsisimula ng tag-ulan was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882
Pag-atake sa Marawi City bahagi ng multi-national operations ng mga terorista – Prof. Banlaoi
written by DWIZ 882
Nabunyag na mayruon pang nilulutong mas malaking plano ang Maute Terrorist Group sa buong Mindanao na kasalukuyang nasa ilalim ng Martial Law.
Ito’y ayon kay Prof. Rommel Banlaoi, Executive Director ng Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research na nagsabi na ang pag-atake sa Marawi ay bahagi ng isang multi-national operation batay sa nakuha niyang intelligence report.
Pagsisiwalat pa ni Banlaoi, isang diversionary tactic lamang ang ginawang pag-atake ng Maute sa Marawi City lalo’t malaya nang nakapasok sa bansa ang mga dayuhang terorista gamit ang southern backdoor at maging ang mga pangunahing airport sa bansa.
Kaya lamang aniya lumaki ang gulo ay dahil bagama’t natiktikan na ng militar ang galaw ng Maute sa Mindanao, hindi naman nito nakita ang laki, lawak at determinasyon ng mga bandido na nagkuta sa lugar.
By: Jaymark Dagala
Pag-atake sa Marawi City bahagi ng multi-national operations ng mga terorista – Prof. Banlaoi was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882
Umapela ng tulong at suporta ang isang grupo ng mga kabataang Muslim sa publiko para bigyang ayuda ang mga kababayang naiipit sa kaguluhan sa Marawi City.
Ayon sa Grupong Student’s Association for Islamic Affairs Incorporated, target nilang maipaabot ang mga kinakaialngang tulong sa mga evacuation centers sa karatig bayan ng Marawi.
Susubukan din ng grupo na masagip ang ilan pang residenteng nananatili sa kanilang mga tahanan sa Marawi partikular na ang mga Barangay Bubong at Ramain sa Marawi City na nananatiling isolated dahil sa bakbakan.
Nakikipag-ugnayan na rin ang grupo sa ilang mga ahensya ng pamahalaan gayundin sa pribadong sektor para mabilis na maipadala ang tulong sa mga residenteng higit na nangangailangan ngayon ng tulong
By: Jaymark Dagala
Muslim Youth umapela na tulungan ang mga naipit ng gulo sa Marawi was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882
Ikinakasa na ngayon ng tinaguriang Genuine Minority o Magnificent Seven sa Kamara na magpasaklolo sa Korte Suprema
Ito’y para kuwesyunin ang idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao bunsod ng bakbakan ngayon sa Marawi City laban sa Maute Terror Group
Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, malinaw naman aniyang walang rebelyong nangyayari ngayon sa Mindanao bagkus isang Act of Terrorism na hindi naman batayan para magdeklara ng batas militar
Giit pa ni Lagman, kanila ring ipupunto sa ihahain nilang petisyon ang hindi pag-convene ng dalawang kapulungan ng Kongreso para talakayin ang mga batayan ng deklarasyon ng Pangulo.
By: Jaymark Dagala / Jill Resontoc
Genuine minority sa Kamara magpapasaklolo sa Korte Suprema was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882
Binuksan na ang Runway-06 ng Ninoy Aquino International Airport matapos itong isara pasado ala-1:00 tanghali kahapon dahil sa emergency pothole repair o natuklap na aspalto.
Ayon kay Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal, tumagal ng mahigit tatlong oras ang emergency repair at bandang alas-3:50 ng hapon kahapon ay nabuksan na ito para sa commercial operation.
Binigyang-diin ni Monreal na mahalagang isara ang naturang runway para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero ng mga international airlines.
Tatlumpu’t apat na international flights ang naapektuhan ng runway repair kung saan karamihan sa mga ito ay na-divert sa Clark International Airport sa Pampanga.
By: Meann Tanbio / Raoul Esperas
Runway 06 ng NAIA binuksan na matapos mag emergency pothole repair was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882
Inamin ng mga security officials sa isinagawang briefing ng Senado hinggil sa Martial Law sa Mindanao na may kasamang foreigner ang Maute Terror Group na nagdudulot ngayon ng tensyon sa Marawi City.
Sinabi ni Senador Cynthia Villar na bukod sa mga civilian at mga foreign nationals, maaring may mga lokal na opisyal din ang sumusuporta sa Maute Terror Group.
Ayon kay Villar, imposibleng hindi agad malaman ng mga barangay official na may mga ibang tao sa kanilang lugar kaya’t nakapagtataka aniyang na hindi ito napigilan sa nasabing level pa lamang.
Naniniwala ang mambabatas na napilitang magdeklara ng Martial Law ang administrasyon dahil sa marami umanong symphatizers ang grupong Maute.
By: Meann Tanbio
Mga Maute may mga kasama umanong mga foreign nationals sa Marawi City was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882
Minority pag uusapan kung dudulog sa SC sakaling hindi matuloy ang joint session
written by DWIZ 882
Pag-uusapan ng Minority Bloc ang posibleng pagdulog sa Korte Suprema sakaling mabasura ang isinumite nilang resolusyon na nagsusulong na magsagawa ng joint session para matalakay ang ipinatutupad na Martial Law at suspension ng Writ of Habeas Corpus sa buong Mindanao
Ayon kay Senador Francis “kiko” Pangilinan, posibleng may pananagutan o epektong politikal sakaling hindi nila gampanan ang kanilang tungkulin na nasa konstitusyon ito ay ang pagpapatawag ng joint session kapag may deklarasyon ng Martial Law.
Idinagdag pa ni Pangilinan na bukas sila sa posibleng pagdulog sa Supreme Court, pero hindi pa nila ito napagdedesisyunan hanggat wala pang pasya ang Senado sa kanilang resolusyon na nananawagan sa pagsasagawa ng joint session .
Iginiit naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na sa oras na mabasura ang hirit nilang joint session, mas dapat na mag-rule ang high tribunal sa usaping ito
Nagtataka naman si Senador Panfilo Lacson kung bakit kasama na si Drilon sa nananawagan ng joint session para matalakay ang idineklarang Martial Law gayong ito ang nagsabi noon na hindi na kailangang mag-joint session kung wala namang nagpapa-revoke sa Martial Law.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno
Minority pag uusapan kung dudulog sa SC sakaling hindi matuloy ang joint session was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882