Iginiit ng election watchdog na Legal Network For Truthful Elections (LENTE) na hindi maituturing na ‘major problem’ ang pagpalya ng ilang automated counting machines sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni LENTE Policy Specialist for Electoral Reforms Head, Atty. Helen Maureen Graido na ito ay dahil agad naman napalitan at naresolba ang isyu.
Kasabay nito, tinukoy ni Atty. Graido ang ilan pang mas mabibigat na aberya o paglabag sa naganap na halalan.
Naniniwala rin si Atty. Graido na kailangan ding isaayos ang mga polling precinct na gagamitin sa mga susunod pang halalan.—sa panulat ni John Riz Calata