Patay ang dalawang security assistant ng isang kilalang politiko matapos barilin ng kanilang kasamahan sa lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan.
Kinilala ang mga biktima na sina Allan Rebuijo, 46 anyos at Rodolfo Capulong, 47 anyos.
Ayon sa imbestigasyon ng Bulacan Provincial Police, pinagbabaril ng suspek na si raymond espeleta, kwarenta’y uno anyos, ang mga nasabing biktima habang nasa loob ng sasakyan.
Nabatid na galing ang mga biktima sa isang birthday venue nang harangin ito ng suspek na lulan ng isang pick-up na sasakyan.
Samantala, nahaharap sa kasong double-murder case si Espeleta.—mula sa panulat ni Airiam Sancho