Lalarga na sa susunod na linggo ang unang dalawang state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Unang tutungo ang pangulo sa Indonesia, kung saan ay makikipagpulong siya kay Indonesian President Joko Widodo.
Tatagal ang state visit ni PBBM sa Indonesia mula September 4 hanggang September 6.
Sunod namang tutulak ang punong ehekutibo sa Singapore upang makipagpulong kay Singaporean President Halimah Yakob at Prime Minister Lee Hsien Loong.
Ang naturang state visit ni Pangulong Marcos sa Singapore ay tatagal naman mula September 6 hanggang 7.
Inaasahang tatalakayin dito ang close bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Singapore at iba pang mga usapin.