Umaabot na sa 17 mga riding-in-tandem criminals ang nalansag ng philippine National Police o PNP sa loob ng 19 na araw.
Dalawa sa nasabing bilang ay napatay matapos manlaban habang 15 ang naaresto.
Ayon kay PNP Spokesperson Chief Superintendent Dionardo Carlos, batay sa kanilang datos, sumampa na sa 152 ang mga naitalang krimen na may kinalaman sa motorcycle riding in tandems.
Habang nasa 155 pang mga suspek sa mga kaso ng pagpatay at pagnanakaw, ang patuloy na pinaghahanap ng pulisya.
Magugunitang, inihayag ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na kanila nang tututukan ang mga riding-in-tandem criminals matapos alisin sa kanila ang paghawak sa mga anti – illegal operations.