Target ng Department of Education na makapagpatayo ng labinlimang libong silid-aralan sa ilalim ng public-private partnership scheme hanggang 2026.
Ayon kay Education Undersecretary Malcolm Garma, ang PPP ay hindi donasyon kundi paraan upang mauna ang pondo ng pribadong sektor sa pagpapatayo ng mga silid-aralan, habang babayaran ito ng gobyerno sa loob ng sampung taon.
Sa kabuuang 165-thousand kakulangan ng silid-aralan sa bansa, inaasahang masosolusyunan ang pagpapatayo ng 15-thousand classrooms sa pamamagitan ng PPP sa loob ng isa o dalawang taon.
Aminado ang DepEd na may mga paaralang gumagamit ng double at triple shifting dahil sa kakulangan sa classrooms.
Ayon kay Secretary Sonny Angara, ang pagdami ng populasyon ang pangunahing dahilan ng classroom shortage.