Libo-libong magsasaka sa bansa ang makikinabang sa P326.97 million na pondo na inilaan ng pamahlaan para sa onion industry ngayong taon.
Ayon sa Presidential Communications Office o PCO, kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin pa ang local food production ay ibubuhos ng Department of Agriculture ang pondo sa High Value Crops Development Program o HVCDP.
Nasa P69.949 million ang laan para sa onion production support services, kabilang ang pagbibigay ng seeds, seedlings, at iba pang farm inputs; P3.2 million para sa irrigation network facilities; at P1.9 million naman para sa extension support, education, at training.
Maliban dito, maglalaan din ang gobyerno ng P6.486 million para sa farm production-related machinery at equipment distribution; P2.359 million sa production facilities; at P2.5 million naman para sa postharvest, processing equipment at machinery distribution.
Magtatayo naman ang gobyerno ng pitong onion cold storage facilities na nagkakahalaga ng P240.575 million sa mga piling lugar.