Patuloy ang paghahanap sa 5 pang mangingisda na napaulat na nawawala bunsod ng pananalasa ng bagyong Jolina sa Eastern Samar.
Ito’y ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director USec. Ricardo Jalad sa Laging Handa briefing, umaga ng Miyerkules.
Gayunman, sinabi ni Jalad na nasagip na ang may 12 mangingisdang napaulat ding nawawala sa Sto. Niño, Samar.
Hanggang sa ngayon, sinabi ni Jalad na wala pa silang natatanggap na ulat ng may nasawi o di kaya’y nasugatan dahil sa bagyo at umaasa sila na wala nang maitala pa.
Batay sa inisyal na datos ng NDRRMC, malakas ang ulan na binuhos ni Jolina na naramdaman sa MIMAROPA, CALABARZON, Bicol at Visayas. - ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)