Sino ang mag-aakala na ang simpleng class discussion ay magsisilbi palang paraan para mailigtas ng batang babae na nasa kwentong ito ang buhay ng 100 turista.
Kung anong klaseng kabayanihan ang ipinamalas ng bata? Eto.
Nagbakasyon noong 2004 sa Thailand ang pamilya ni Tilly Smith na noo’y 10 taong gulang pa lamang na mula pa sa United Kingdom para doon ipagdiwang ang pasko.
Habang nasa beach daw si Tilly kasama ng kaniyang pamilya, napansin daw niyang tila lumalayo sa baybayin ang tubig-dagat, kabaliktaran sa madalas nating nakikita.
Naalala raw ni Tilly ang geography class nila tungkol sa tsunami, kung saan ipinanood sa kanila ang video ng 1946 tsunami na tumama sa Hawai.
Nang tingnan ni Tilly ang dagat, tila senyales daw ito na may paparating na tsunami kaya naman sinabihan niya ang kaniyang ina na huwag lumayo dahil magkaka-tsunami raw.
Pero hindi raw naniwala sa kaniya ang ina niya, kaya sumisigaw na raw siya at nagmamakaawa na lumayo na sila sa dagat dahil magkakaroon daw ng tsunami.
Dahil sa takot na ipinakita ni Tilly, ang ama raw nito ang tumulong sa kaniya para sabihan ang iba pang mga turista na lumikas na dahil sa banta ng tsunami.
Ilang segundo lamang bago tumama ang tsunami sa lugar ng Mai Khao, Thailand, nakaakyat na sa second floor ng hotel ng resort ang mga tao, dahil dito, walang naiulat na nasawi.
Dahil sa kabayanihang ipinakita ni Tilly, nakatanggap siya ng Merit Award mula sa UK Marine Society.
Binigyang-diin ng dating presidente ng UK Marine Society na si Bill Clinton ang kahalagahan ng edukasyon sa pagtuturo tungkol sa mga natural hazards, kaya nagpasalamat siya sa teacher ni Tilly dahil kung hindi niya iyon itinuro, marami raw ang buhay na nasawi.
Mahigit 200,000 katao ang nasawi dahil sa 2004 Indian Ocean earthquake at tsunami at 14 na bansa ang naapektuhan dito, dahilan para tawagin ito bilang deadliest natural disaster.
Ikaw, naniniwala ka bang powerful ang edukasyon lalo na sa usapin ng kalamidad? O depende sa tao kung paano niya ito ia-apply sa tunay na buhay?



