Mas pinalawak pa ng DENR, Provincial Government of Bataan, at AboitizPower ang taniman ng mangrove sa Orani, Bataan.
Nilagdaan ang Memorandum of Agreement nina Environment Secretary Raphael Lotilla, Bataan 3rd District Representative Gila Garcia, Orani Municipal Mayor Antonio Arizapa Jr., GNPower Mariveles at GNPower Dinginin President and CEO Aldo Ramos, at kinatawan mula sa Tubo-Tubo Fisherfolk Association.
Sa ilalim ng kasunduan, magtatanim at aalagaan ang karagdagang sampung ektaryang bakawan sa Orani. Dahil dito, aabot na sa dalawampung ektarya ang kabuuang mangrove site na pangangalagaan ng AboitizPower sa lugar.
Ang proyekto ay bahagi ng Project TRANSFORM o Transdisciplinary Approach for Resilience and Environmental Sustainability through Multistakeholder Engagement ng DENR.
Bukod sa pagiging tirahan ng mga lamang-dagat, malaking tulong din ang bakawan laban sa baha at daluyong, gayundin sa pag-absorb ng carbon dioxide na nakatutulong sa paglaban sa climate change.