Iminungkahi ng mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP) ang isang buwang pagsasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ng Metro Manila.
Ayon kay Dr. Ranjit Rye ng UP-OCTA research team, ito’y upang mapabagal ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Inihalimbawa pa ni Rye ang nangyari sa Cebu City na noon ay ibinalik sa ECQ matapos tumaas ang kaso ng COVID-19 hanggang sa ito ay humupa na rin.
Dito aniya makikita ang positibong epekto ng muling pagpapatupad ng istriktong community quarantine kung saan kung mapapanatili ito ng lungsod, hindi magtatagal ay muling makakabangon ang ekonomiya ng Cebu City.