Nagpapatuloy sa pamamahagi ng Housing Assistance ang National Housing Authority para sa mga biktima ng lindol sa Northern Luzon sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program ng pamahalaan.
Pinangunahan ni NHA General Manager Jeoben Tai ang pamamahagi ng ang pamamahagi ng nasabing tulong sa mga nasalanta ng lindol sa Abra at Ilocos Sur.
Nabatid na nasa 388 na pamilya ang nawalan ng tirahan na makatatanggap ng tig- P20, 000 habang mayroon namang 26, 280 pamilya ang bahagyang nasiraan ng kabahayan na makatatanggap ng tig-P10, 000 bilang tulong pinansiyal.
Ayon kay Tai, dumaan ang mga benepisyaryo sa masusing inspeksyon at balidasyon ng mga opisina ng NHA sa rehiyon sa tulong ng mga Lokal na Pamahalaan, partikular na ng mga lokal na opisina ng Social Welfare and Development.
Umaasa ang NHA na magagamit ng mga benepisyaryo ang tulong na kanilang natanggap para makapagsimulang muli at makapagtayo ng komportableng tirahan.
Nangako rin ang ahensya na patuloy nilang susuporta ang iba pang mga kababayan na nangangailangan din ng pabahay.