Home NATIONAL NEWS Impeachment trial ni VP Sara, target tapusin ng prosekusyon sa ikalawang linggo ng Nobyembre

Komedyante na si Ate Gay, kritikal ang kondisyon matapos ma-stroke

by DWIZ 882 October 31, 2026 0 comment
ATE GAY

Nananatiling kritikal ang kondisyon ng komedyanteng si Gil Morales o mas kilala bilang Ate Gay matapos siyang ma-stroke.

Batay sa ulat ng pamilya ng komedyante, isinugod ito sa Asian Hospital and Medical Center noong Oktubre 17 dahil sa hirap sa paghinga dulot ng septic shock at acute respiratory failure, kung saan inilipat din siya sa intensive care unit.

Ayon sa mga doktor, nagkaroon siya ng pinsala sa kanang bahagi ng utak dahil sa stroke at umaasa pa rin sa life-support machines.

Dahil sa tumataas na gastusin sa ospital, humingi ng tulong pinansiyal ang pamilya mula sa mga ahensiya ng pamahalaan at publiko, kasabay ng pasasalamat sa patuloy na pag-aalay ng suporta at panalangin.

Na-diagnose si Ate Gay ng stage four cancer noong 2025, kaya nagsagawa siya ng “living funeral” nitong Oktubre upang maiparamdam sa kanya ng mga kaibigan at kapamilya ang kanilang pagmamahal habang nabubuhay pa siya. | Sa panulat ni Reianne Antiquina

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment