Home NATIONAL NEWS Comelec, nagbabala laban sa fake news tungkol sa 2026 BSKE

Prenuptial agreement nina VP Sara at Atty. Mans Carpio, susuriin ng House prosecution

by DWIZ 882 October 29, 2026 0 comment
SARA - MANS DUTERTE CARPIO

Magsasagawa ng masusing pagsusuri ang House prosecution team sa prenuptial agreement na posibleng ilatag ng kampo ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.

Ayon kay House prosecution spokesperson Robert Ace Barbers, susuriin nila kung lehitimo ang nasabing kasunduan at kung nilagdaan ito bago ikasal ang pangalawang pangulo at ang asawa nitong si Attorney Manases Carpio.

Iginiit din ni Barbers na hindi awtomatikong mapapawalang-sala si VP Sara sa mga alegasyon hinggil sa unexplained wealth dahil sa pagkakaroon ng prenuptial agreement.

Nakasentro ang natitirang article of impeachment sa umano’y unexplained wealth ng bise presidente, matapos bawiin ng House prosecution ang tatlong iba pang articles of impeachment.

Inaasahang magsisimula ang paglalahad ng ebidensiya ng kampo ni VP Sara sa pagpapatuloy ng impeachment trial sa Nobyembre 9. | Sa panulat ni Reianne Antiquina

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment